Hindi sinusuportahan ng iyong browser ang JavaScript!

Tagapamahala ng Pagkakakilanlan ng VITA (VIM)

Pinakabagong Update

Ang sistema ng pamamahala ng pagkakakilanlan ng VITA (VIM) ay itinigil at ang mga kaugnay na mga serbisyo ay inilipat sa Okta.

Mga gumagamit ng akawnt na hindi COV

Mangyaring sundin ang mga na-update na instruksiyon sa ibaba, habang patuloy naming ina-update ang lahat ng kaugnay na dokumentasyon at mga sanggunian.

Maaaring humiling ng mga bagong account sa pamamagitan ng katalogo ng serbisyo ng VITA gamit ang isang pangkalahatang kahilingan sa serbisyo (GSR) o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa VITA customer care center (VCCC). Ang kahilingang ito ay dapat ipasa ng may-ari ng application o itinalagang kinatawan ng ahensiya upang lumikha ng Okta/AUTH akawnt at grupo ng application na dapat salihan ng user para makakuha ng access sa application. Mangyaring tukuyin ang ENT-SSDC-DS-DIRECTORY SERVICES-OKTA-LEVEL 3 kapag ipinasa ang mga kahilingan sa mga bagong account.

Kailangan mag-reset ng password ang user (hindi nag-expire ang password) 

  • Maaaring makipag-ugnayan ang mga gumagamit sa VCCC upang i-reset ang mga password sa pamamagitan ng email  vccc@vita.virginia.gov o sa pamamagitan ng telepono (866) 637-8482.
  • Maaaring gamitin ng mga user ang tool sa Self-service password reset (SSPR) para baguhin ang COV password. Dapat i-set up ang multifactor authentication (MFA) bago mo magamit ang tool sa pag-reset ng SSPR password. Para sa higit pang impormasyon at mga tagubilin, pakibisita ang Okta self-service password reset knowledge base article.

I-reset ang iyong password

 

Kailangan i-reset ng user ang password (nag-expire ang password)

  • Ang may-ari ng application o itinalaga ay kakailanganing magpasa ng pangkalahatang kahilingan sa serbisyo (GSR) bilang bahagi ng proseso ng pagpapatunay ng akawt/access. Ang tiket ay dapat ipasa sa ENT-SSDC-DS-DIRECTORY SERVICES-OKTA-LEVEL3.
  • Ang mga may-ari ng aplikasyon o itinalagang kawani ng ahensya ay dapat na idirekta sa https://virginia.okta.com para sa SSPR. Ang mga user na nakarehistro sa https://virginia-ex.okta.com ay dapat lumipat sa para sa pagpaparehistro. Ang paglipat ay kasing simple ng pag-log in sa https://virginia.okta.com gamit ang iyong umiiral na itinalagang email address at password. Sa pag-log in, hihilingin sa iyong i-set up ang sumusunod na impormasyon: 

    • Pangalawang email  
    • Tanong para sa nakalimutang password  
    • Magdagdag ng numero ng telepono upang i-reset o i-unlock ang iyong akawnt sa pamamagitan ng mensahe sa text  
    • Magdagdag ng numero ng telepono upang i-reset o i-unlock ang iyong akawnt sa pamamagitan ng tawag sa telepono  
    • Pumili ng imahen ng seguridad 
    • Kapag nalikha na, ipapakita sa iyo ang iyong Okta dashboard 
  1. Ang lahat ng mga kahilingan para sa pag-access sa application (pagdadag/pag-alis/pagbabago) ay dapat ipasa ng may-ari ng application o itinalagang kinatawan ng ahensiya sa VCCC. Ang tiket ay dapat maglaman ng pangalan ng grupo para sa pag-access ng application. Kung kailangan ng tulong sa paghahanap ng pangalan ng grupo, magpadala ng tiket sa VCCC.  
  2. Ang tiket ay dapat ituro sa pila ng ENT-SSDC-DS-DIRECTORY SERVICES. 
  3. Kung ang grupo ng application ay pinamamahalaan ng Okta, ang mga may-ari ng application ng ahensiya ay maaaring mag-update ng mga grupo. 
  4. Ang lahat ng mga grupo ng application ay ililipat sa mga grupong pinamamahalaan ng Okta at iuugnay sa mga ahensiya. 
  5. Kung matagumpay na naka-log in ang isang user sa Okta, na miyembro ng naaangkop na grupo ng application, ngunit hindi ma-access ang application, ang tiket ay pupunta sa pangkat ng application.  

May mga katanungan? Makipag-ugnayan sa VCCC sa (866) 637-8482 o mag-email sa vccc@vita.virginia.gov.

Mga Madalas Itanong sa Okta

Ano ang MFA?

MFA (Multi-Factor Authentication) ay isang karagdagang layer ng seguridad na ginagamit upang biripikahin ang pagkakakilanlan ng end user kapag sila ay nag-sign in sa application. 

Anong mga uri ng MFA ang pinagana sa Okta?

Ang sumusunod na mga opsiyon sa MFA ay magagamit:

Okta Verify

Ang Okta Verify ay isang uri ng multifactor authentication na binuo ng Okta. Maaaring biripikahin ng mga end user ang kanilang pagkakakilanlan gamit ang Okta Verify mobile app. Pagkatapos i-install ng end user ang app sa kanilang pangunahing device, maaari nilang patunayan ang kanilang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pag-apruba ng isang push notification o sa pamamagitan ng pagpasok ng isang beses na code.

SMS authentication

Ang SMS Authentication ay gumagamit ng serbisyo ng text messaging sa iyong cell phone upang magpadala sa iyo ng isang beses na code para sa pag-login. Hindi mo maipapasok ang code na ito sa pamamagitan ng pag-apruba ng push notification gaya ng sa Okta Verify. Sa halip, kailangan mong i-type ito nang mano-mano.

Google authenticator

Ang Google Authenticator ay isang software-based na authenticator mula sa Google na naglalapat ng mga serbisyo ng two-step verification.

 

Paano ko ise-set up ang Okta Verify?

Mangyaring sundin ang artikulo sa knowledge base (KBA) Gabay sa pag-set up ng Okta Verify na naglalaman ng mga instruksiyon kung paano i-enroll at i-set up ang Okta Verify, ang MFA application.

Paano kung kukuha ako ng bagong telepono at/o magbago ang aking numero ng telepono?

Kung kukuha ka ng bagong telepono at/o magbago ang iyong numero ng telepono, kakailanganing i-reset ang iyong MFA sa Okta.