Hindi sinusuportahan ng iyong browser ang JavaScript!

Arkitektura ng Negosyo

Ano ang Enterprise Architecture?

Ang Enterprise Architecture ay nakatuon sa pagkakahanay ng mga tao, proseso, teknolohiya, at impormasyon sa kabuuan ng isang organisasyon.

Ang pagbabago ay palagian at nagaganap sa lahat ng bahagi ng organisasyon sa bawat antas. Ang mga bagong aplikasyon ay nagdudulot ng pagbabago sa proseso at mga tao, nagbabago ang estruktura at kahulugan, nagbabago ang mga bendidor, at nagkakaroon ng pagbabago sa estruktura ng mga organisasyon. Ang pagbabago ay nagdudulot ng epekto sa mga organisasyon, at ang mga epekto nito ay maaaring magdulot ng mga pagkakamali sa operasyon, pagkaantala, mga gastos, at pagkabigo.

Ang Enterprise Architecture bilang isang tungkulin sa pagpaplano ay nagbibigay ng tuon sa pag-unawa, pamamahala, at pakikipag-ugnayan tungkol sa kalagayan sa hinaharap kaugnay ng kasalukuyang kalagayan. Bilang isang tungkulin sa pamamahala ng panganib, nagbibigay ito ng mga gabay sa pamamagitan ng mga inaprubahang mga pamantayan at mga plano ng pagsasagawa na tumutulong upang magtakda ng mga hangganan sa pamamagitan ng mga mapananaligang mga padron at pinakamahusay na mga kasanayan. Bilang isang tungkulin sa teknolohiya, layunin nitong pamahalaan ang mahusay na palalapat ng teknolohiya sa loob ng isang organisasyon sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa muling paggamit, pag-catalog ng mga kakayahan, at pakikipag-ugnayan sa mga praktisyoner, mamimili, at iba pang mga stakeholder.

Ang bawat ahensiya ay may natatanging misyon upang suportahan ang mga serbisyo ng Commonwealth para sa mga mamamayan ng Virginia.   Ang lahat ay may natatanging mga estruktura ng operasyon na binubuo ng mga tao, mga proseso, at teknolohiya. Mahalagang ang lahat ng mga elementong ito ay pinatatatag ng impormasyon, na nagsisilbing pinagmumulan ng lakas na nagbubuklod sa kanila. Kapag mas mahusay na nakahanay ang mga elementong ito sa isa't isa, mas epektibong makapaghahatid ang ahensiya ng mga serbisyo nito. Ang aktwal na pagpapatupad ng mga elementong ito ay nag-iiba-iba - ang ilan ay ganap na nasa loob ng ahensiya, at ang ilan sa mga elementong ito ay naihatid sa pamamagitan ng mga panlabas at ibinahaging serbisyo. 

Ang awtoridad ng pagsasanay sa enterprise architecture ay nakasaad sa legal na kodigo ng Virginia para sa mga kapangyarihan ng CIO. Ang sumusunod na mga pahayag ay may kaugnayan sa misyon ng COV sa kasanayan sa EA.

Kodigo ng Virginia - § 2.2-2007. Mga kapangyarihan ng CIO.

  • Suportahan ang palitan, pagkuha, pag-iimbak, paggamit, pagbabahagi, at pamamahagi ng mga datos at mga kaugnay na teknolohiya ng estado at lokal na pamahalaan.
  • Suportahan ang isang pinag-isang dulog sa teknolohiyang pang-impormasyon sa kabuuan ng pamahalaan ng estado, sa gayon ay tinitiyak na ang mga mamamayan at mga negosyo ng Commonwealth ay makatatanggap ng posibleng pinakamataas na antas ng seguridad, halaga, at kaginhawahan mula sa mga pamumuhunan sa teknolohiya.
  • Magbigay ng pangangasiwa para sa mga pagsisikap ng ahensiya ng sangay tagapagpaganap na gawing moderno ang pagpaplano, pagpapa-unlad, pagpapatupad, pagpapabuti, pagpapatakbo at pagpapanatili, at pagreretiro ng teknolohiyang pang-impormasyon ng Commonwealth, kabilang ang pangangasiwa para sa pagpili, pag-unlad, at pamamahala ng teknolohiya ng impormasyon ng enterprise.
  • Pagpapatnubay ng pagsasama at pagpapanatili ng imbentaryo ng teknolohiya ng impormasyon, kabilang ngunit hindi limitado sa mga tauhan, mga pasilidad, kagamitan, mga kalakal, at mga kontrata para sa mga serbisyo.

Kodigo ng Virginia - § 2.2-2011. Mga karagdagang kapangyarihan at tungkulin na may kaugnayan sa pag-unlad, pamamahala, at pagpapatakbo ng teknolohiya ng impormasyon.

  • Pamahalaan, iugnay, at ibigay ang teknolohiyang pang-impormasyon na ginagamit ng mga ahensiya ng sangay na tagapagpaganap.
 

Paano makipag-ugnayan sa pangkat ng EA

Ang Enterprise Architecture sa VITA ay isinasagawa sa pamamagitan ng iba't ibang mga mekanismo, na nagbabago depende sa pangangailangan. Ang EA ay aktibo sa buong siklo ng buhay ng teknolohiya, simula sa mga aktibidad bago ang pagkuha sa loob ng proseso ng estratehikong plano ng IT, sa pamamagitan ng mga pagsasaalang-alang sa RFP, pagpili ng teknolohiya, at pagsusuri sa arkitektura at patuloy na gawain sa pamamahala sa pamamagitan ng mga eksepsiyon, pamamahala ng bendidor at pagsusuri sa arkitektura.

Ang Enterprise Architecture ay gumagawa rin ng mga pamantayan na nagtatakda ng kinakailangang pag-uugali at mga kontrol para sa aplikasyon ng teknolohiya sa Commonwealth, pati na rin ang mga plano ng pagsasagawa na tumitiyak kung aling software ang napapanahon, paparating, at hindi na napapanahon upang makatulong sa pamamahala ng impraestruktura at pagpaplano.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga pamantayan at mga patakaran ng EA ay makikita sa seksiyo ng Mga Mapagkukunan sa ibaba.

Alamin kung paano makipag-ugnayan sa pangkat ng EA para sa bawat proseso sa pamamagitan ng pag-click sa mga tab sa kaliwa.

Kung ang inyong ahensiya o operasyon ay hindi makasunod sa mga naaprubahang pamantayan o plano ng pagsasagawa ng EA, dapat magparehistro ng eksepsiyon ng Archer para sa inyong ahensiya.

Ang ilang mga halimbawa ng mga eksepsiyon ay:

  • Ang inyong ahensiya ay gumagamit ng bersiyon ng software na 2 o higit pang mga bersiyon na mas luma kaysa sa kasalukuyang bersiyon.
  • Ang inyong ahensiya ay may hardware na wala nang suporta na kinakailangan ng ahensiya, o may hardware na produktong lampas na sa 5 taon ang tanda na ginagamit pa rin.
  • Hindi mo matutugunan ang isang kinakailangan ng negosyo, tulad ng pagsunod sa pag-log o pagkakaroon ng mga daosa.

Irehistro ang iyong mga eksepsyion sa Archer, ang sistema ng pamamahala ng panganib ng COV. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang aming Mga FAQ sa Seguridad ng Impormasyon na seksiyon.

Patakaran sa AI at pamantayan ng teknolohiyang AI para sa Commonwealth

Ang Kautusang Tagapagpaganap 30 ay nag-uutos na ang VITA ay bumuo at maglathala ng isang patakaran sa AI at pamantayan ng teknolohiya ng AI na susundin ng mga ahensiya ng sangay ng tagapagpaganap.

Bilang bahagi ng binuong pamantayan, ang lahat ng ahensiya at tagapagtustos ay dapat magparehistro ng kanilang nilalayong paggamit ng artificial intelligence sa kanilang mga tungkulin sa operasyon para sa pagsusuri ng VITA at ng kalihiman.

 Para sakaragdagang kaalaman tungkol sa prosesong ito,bisitahin ang aming seksiyon ng Artificial Intelligence . Gamitin ang Archer upang simulan o i-access ang iyong mga rekord ng AI 

Bilang isang tungkulin ng pamamahala, sinusuri ng Enterprise Architecture ang mga disenyo ng arkitektura para sa pagkakaugnay-ugnay at pagkakatugma sa mga patakaran ng VITA at upang matiyak na natutugunan ang mga patakaran ng VITA para sa serbisyo.

Bukod pa rito, pinatutunayan ng EA na ang mga eksepsiyong binanggit sa dokumento ay wasto, at naaangkop. Ang enterprise architecture ay magbibigay din ng komento sa mga detalye ng teknikal na disenyo kung kinakailangan. 

Ang mga pagsusuri sa arkitektura ay isinasagawa sa pamamagitan ng MSI Holistic Architectural Review Process, o HARP. Ang HARP ay isang paulit-ulit na dulog na ginagamit upang suriin at aprubahan ang mga arkitektura para sa pagsunod sa mga kontrata at mga alituntunin ng VITA.

Ang mga template ng Architecture Overview Document (AOD) ay tumutulong sa mga tagapagtustos na idokumento ang kanilang mga arkitektura sa paraang matutukoy ng mga tagasuri kung ang arkitektura ay sumusunod sa mga pamantayan. Ang AOD ay nahahati sa 3 seksiyon na nakukumpleto sa iba't ibang yugto ng buhay ng pagpapalawak ng serbisyo. Ang mga seksiyong ito ay ang High-Level Section [Seksiyon ng Mataas na Antas] (HLS), ang Detailed Design Section [Seksiyon ng Detalyadong Disenyo] (DDS), at ang As Built Seksyon [Seksiyon ng Tulad ng Pagkalikha] (ABS).  

  • HLS - Ang seksiyon ng mataas na antas ay kailangang maaprubahan bago simulan ang proyekto at kailangan sa pagbuo ng sistema.
  • DDS - Ang seksiyong ito ay naglalaman ng impormasyong kinakailangan upang bumuo o muling itayo ang sistema at kailangang makumpleto bago ma-access ang serbisyo. Naglalaman ito ng pagsasaayos ng sistema at kasama rito ang mga pagsasaayos mula sa ibang mga tagapagtustos na kinakailangan upang maging online ang sistema.
  • ABS – Ang seksiyong as-built ay naglalaman ng anumang mga pagkakaiba mula sa Detalyadong Disenyo at sa mga pagsasaayos ng sistema at mga bahagi. Dapat itong makompleto bago ang pagsasara ng proyekto.

Ang mga IT Strategic Plan [Estratehikong Plano ng IT] (ITSP) ay kinakailangan ng Kodigo ng Virginia.

Isa sa tatlong pangunahing uri ng pagsusuri kung saan aktibo ang EA sa proseso ng pagkuha bilang isang punto ng pagpapatunay at pag-apruba:

Tuwing bawat dalawang taon, dapat patunayan ng mga ahensiya ang mga gawain ng IT na balak nilang isagawa sa susunod na dalawang taon. Bilang bahagi ng proseso ng pag-apruba, sinusuri ng Enterprise Architecture ang mga ITSP para sa pagsunod sa mga pamantayan, mga pagkakataon para sa muling paggamit, mga gawaing nag-aayos ng anumang natitirang eksepsiyon, at kalinawan ng layunin.

Kapag natapos na ang pagsusuri, ilalagay ng Enterprise Architecture sa Planview system ang rekomendasyon para aprubahan at, kung saan kinakailangan, makipag-ugnayan sa CAM at iba pang mga mapagkukunan kung saan kinakailangan ang karagdagang aksyon at paglilinaw.

Mga Kaso ng Pamumuhunan sa Negosyo (IBC)

Dalawa sa tatlong pangunahing uri ng pagsusuri kung saan aktibo ang EA sa proseso ng pagkuha bilang isang punto ng pagpapatunay at pag-apruba:

Ang IBC ay nagsisilbing paraan upang bigyan ng pahintulot ang ahensiya na maghanda ng tsarter ng proyekto, magsagawa ng RFP, at gumastos ng mga pondo kung kinakailangan upang maisakatuparan ito. Ang mga ito ay sinusuri din ng Enterprise Architecture. Para sa mga ito, tinitingnan ng EA ang pagkakahanay ng IBC sa ITSP ng ahensiya at sinusuri ang iminungkahing dulog laban sa kasalukuyang mga pamantayan at direksyon ng IT.

Halimbawa, ang mga ahensiya ay karaniwang dapat gumamit ng mga dulog na angkop sa cloud na hindi kinakailangang lumikha ng mga hadlang para sa pagsunod o iba pang mga hamon sa panahon ng pagpapatupad o sa hinaharap. Ang Enterprise Architecture, bilang isa sa mga tagasuri, ay mag-aapruba sa IBC kung walang natukoy na mga isyu. Kung may mga paglilinaw o mga kondisyon, maaaring magbigay ng mga komento ang arkitekto ng negosyo na may kasamang pag-apruba, o kung kinakailangan, ibabalik ang kahilingan sa ahensiya para sa karagdagang impormasyon bago ito aprubahan.

Mga Kahilingan sa Pamamahala ng Pamimili (PGR)

Tatlo sa tatlong pangunahing uri ng mga pagsusuri kung saan aktibo ang EA sa proseso ng pagkuha bilang isang punto ng pagpapatunay at pag-apruba:

Ang PGR ay sumusunod sa isang naaprubahang Investment Business Case [Kaso ng Pamumuhunan sa Negosyo], kung saan handa na ang ahensiya na ilaan ang pondo para sa solusyong inilarawan nila sa IBC. Katulad ng mga aktibidad ng pagsusuri ng isang IBC, ang Enterprise Architecture ay makikibahagi sa pagsusuri ng PGR upang matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan ng EA at pagkakahanay sa direksyon ng COV IT.

Pagkatapos ng pagsusuri, ang enterprise architect ay maaaring mag-apruba nang walang komento, o humingi ng karagdagang impormasyon bago aprubahan ang kasangkapan. Bukod pa rito, bilang bahagi ng prosesong ito, maaaring makipag-ugnayan ang EA sa mga kaugnay sa proseso para sa karagdagang paglilinaw kung kinakailangan.

Bilang suporta sa misyon ng CIO na magbigay ng isang pinag-isang dulog sa IT sa buong pamahalaan ng estado, ang Enterprise Architecture ay bumubuo ng mga pamantayan na nagtatakda ng mga tiyak na kinakailangang pag-uugali at mga kontrol para sa paggamit ng teknolohiya sa Commonwealth. Karaniwan, ang mga ito ay itinatayo upang magbigay ng mga nasusukat na kinakailangan na maaaring sukatin at pamahalaan para sa pagsunod. Ang halaga ng mga pamantayan ay nasa kanilang kakayahang mabawasan ang labis na pag-uulit sa mga pamamaraan, magbigay ng pare-parehong mga pamamaraan, bawasan ang mga lawak na maaaring atakihin, at magbigay-daan sa pagtutok sa pagsasanay at mga kasanayan.

Ang Enterprise Architecture Policy (EA200) ay nagbibigay ng batayan para sa hanay ng mga pamantayan na nagbibigay ng bahagi ng balangkas ng pamamahala ng teknolohiya para sa komonwelt. Ang pamantayang ito ay nagtatatag ng direksyon at teknikal na mga kinakailangan na namamahala sa pagkuha, paggamit at pamamahala ng mga mapagkukunan ng teknolohiya ng impormasyon ng mga ahensya ng ehekutibong sangay. Ang diagram sa ibaba ay nagpapakita ng mga ugnayan sa pagitan ng mga pamantayan at kung paano nila sinusuportahan ang isa't isa.

Ang Enterprise Architecture Standard (EA225) ay nagtatatag ng isang balangkas ng teknolohiya ng impormasyon upang bumuo, mapanatili at gamitin ang EA bilang isang tool para sa paggawa ng mga desisyon sa mga pagbabago at pamumuhunan sa teknolohiya ng impormasyon.

Sa ibaba, makikita ang mga mapagkukunan na inilathala sa ilalim ng EA-225 at Plano sa Pagsasagawa ng EA

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga kategorya ng mga pamantayan, sumangguni sa EA 225.

Mga plano ng pagsasagawa

Ang mga plano ng pagsasagawa, na inilathala ng pangkat ng COV EA, ay nagbibigay ng gabay kaugnay sa pagpaplano ng pamumuhunan sa teknolohiya, mga pagbabago, at mga pag-aupdate. Tinitiyak nila, para sa mga pundasyong kategorya ng teknolohiya, kung aling mga bersyon ng produkto ang dapat gamitin, kailan ito dapat i-update, at kailan hindi na ito dapat gamitin.

Ang layunin ng pamamahala ng mga bersiyon ng teknolohiya ay upang maiwasan ang mga huling minutong pag-update ng bersiyon at ang negatibong epekto ng mga ito sa paghahatid ng de-kalidad na teknolohiyang pang-impormasyon na sumusuporta sa arkitektura ng negosyo ng Commonwealth. Sa katunayan, ang pag-update sa mga kasalukuyang bersiyon ay dapat maging isang regular na gawain para sa mga ahensiya at mga tagapagtustos ng mga serbisyo ng teknolohiyang pang-impormasyon ng Commonwealth, dahil ito ay magreresulta sa pagtaas ng produktibidad ng mga kawani, pagpapanatili ng maaasahang seguridad, at pagbabawas ng mga gastos sa pagpapanatili ng mga legacy.

Ang sumusunod na plano ng pagsasagawa ay nagbibigay-daan sa mga ahensiya at tagapagtustos na magplano ng mas tiyak at naka-iskedyul na mga update. Dahil ang mga pagtataya ay 'inaasahan' gamit ang pinakamahusay na impormasyon sa panahon ng isang desisyon, maaari itong magbago upang mapanatili ang katatagan sa mga susunod na pagbabagong nagaganap sa labas ng kontrol ng Commonwealth.

Suriin ang kasalukuyang mga update sa plano ng pagsasagawa ng teknolohiya ng EA

Ang mga plano ng pagsasagawa ay magagamit para sa sumusunod:

Bisitahin ang Mga Kahulugan ng EA Roadmap para sa mga karagdagang detalye.