I-reset ang inyong password
Gamitin ang kasangkapan sa pag-reset ng password upang palitan ang iyong password sa COV
Kailangan mong i-set up ang multi-factor authentication bago mo magamit ang kasangkapan sa pag-reset ng password. Tingnan ang link sa pag-set up sa ibaba para sa mga instruksiyon. Kung hindi, i-click ang botong "I-reset ang Iyong Password".
I-set up ang Multifactor Authentication para sa Mga Self Reset ng Password
Kailangang makipag-ugnayan sa VCCC? Mangyaring bisitahin ang IT Support.
Humiling ng akawnt o pagbabago sa akawnt
Para humiling ng akawnt o pagbabago sa akawnt (pagbabago ng access/mga pahintulot, kabilang ang mga pagtanggal at mga pag-deactivate), mangyaring bisitahin ang katalogo ng serbisyo sa loob ng Portal ng Serbisyo ng VITA. Karamihan sa mga aytem ng kahilingan sa akawnt ay matatagpuan sa kategorya ng kahilingan sa akawnt ng COV. Ang ilang mga aytem ng kahilingan sa akawnt ay matatagpuan din sa kategorya ng mga serbisyo ng Mainframe.
Pansinin na ang pagbibigay ng mga akawnt para sa bagong access sa mga sistema ng legacy billing (para sa mga bill na ginawa bago ang Hulyo 1, 2019) ay maaaring limitado. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang impormasyon.
Hindi dapat gamitin ang email para mag-ulat ng kritikal na mga isyu o mga pagkawala ng serbisyo na nakaaapekto sa isang ahensiya.
Gamitin ang link na "Humingi ng Tulong" na matatagpuan sa itaas na menu bar ng Portal ng Serbisyo VITA.
I-email ang VCCC sa vccc@vita.virginia.gov.
Tumawag sa (866) 637-8482 (walang bayad) upang iulat ang pagkawala ng serbisyo* o humiling ng serbisyo.
Para sa mas mabilis na serbisyo sa telepono
Mas mabilis na makatutugon ang tagapagsuri ng VCCC kung mayroon ka ng sumusunod na impormasyon kapag tumawag ka:
- Para sa pag-reset ng password o mga naka-lock na akawnt, kakailanganin mo ang iyong PIN (personal na numero ng pagkakakilanlan) at mga datos na nagpapatunay ng iyong pagiging karapat-dapat
- Ang iyong e-mail address at numero ng telepono
- Ang paglalarawan ng problema at kung ito ay nakaaapekto sa iba sa iyong opisina o sa iyong pangkat
Suriin ang katayuan ng iyong tiket
Upang suriin ang katayuan ng isang tiket, mangyaring bisitahin ang Portal ng Serbisyo ng VITA.
Kung hindi mo ma-access ang Portal ng Serbisyo ng VITA
Ang mga kostumer ng VITA na walang mga akawnt sa Commonwealth of Virginia (COV) (kabilang ang ilang kostumer ng lokal na pamahalaan) o mga kostumer na hindi makakuha ng access sa portal, ay maaaring mag-order ng mga serbisyo at humiling ng mga akawnt sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa VITA Customer Care Center (VCCC)service desk, o sa pamamagitan ng pagtawag sa VCCC sa (866) 637-8482.
[EXTERNAL]
Paraan #1
Habang nasa COV network o sa pamamagitan ng virtual private network (VPN), mag-log in sa https://virginia.okta.com/enduser/settings gamit ang iyong mga kredensiyal sa Commonwealth of Virginia (COV). I-click ang boton na 'I-edit ang Profile', I-type ang iyong password sa COV sa field na 'Password', pagkatapos ay i-click ang 'I-verify'. Hihilingin sa iyona magpatunay gamit ang iyong napiling paraan ng multi-factor authentication (SMS, Google Authenticator, o Voice). Ang seksiyon ng pagbabago ng password ay magpapahintulot sa iyo na lumikha ng bagong password para sa iyong akawnt sa COV. Mangyaring tandaan na kung gagawin ito habang hindi nakakonekta sa COV network, hindi masi-sync ang password ng iyong computer hanggang sa makakonekta sa COV, alinman sa pamamagitan ng direktang koneksiyon o sa pamamagitan ng COV VPN.