Hindi sinusuportahan ng iyong browser ang JavaScript!

Mga Programa ng Grant

 

Programa ng Grant para sa Cybersecurity ng Estado at Lokal (SLCGP)​

Noong Setyembre 16, 2022, inihayag ng Department of Homeland Security [Kagawaran ng Seguridad ng Bayan] (DHS) ang isang kauna-unahang programa ng grant para sa cybersecurity na partikular para sa mga pamahalaang pang-estado, lokal, at teritoryal (SLT) sa buong bansa.​​​

Ang VITA, sa pakikipagtulungan sa State Administrative Agency [Ahensiyang Pampangasiwaan ng Estado] (SAA) para sa Commonwealth at Virginia Department of Emergency Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Kagipitan ng Virginia], ay nag-aplay at naaprubahan para sa lahat ng magagamit na mga taon ng programa.​

​Ang pakikilahok ng Virginia sa SLCGP ay nakatuon sa:​

  • Pagkamit ng mga pagpapabuti para sa maraming kwalipikadong entidad hangga't maaari​

  • Ginagawang simple para sa mga kwalipikadong entidad na makilahok habang natutugunan ang lahat ng mga kinakailangan na nakasaad sa Paunawa sa mga Pagkakataon sa Pagpopondo na nauugnay sa programang pederal na grant.​

Ang dalawang lawak ng tuon na ito ay nagresulta sa disenyo ng programa na:​

  • Nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga kwalipikadong entidad na lumahok nang hindi pinapasan ang pasanin ng mga kinakailangan sa pamamahala ng pederal na grant​

  • Lumilikha ng mga uri ng pagpapatupad ng proyekto na nagbibigay ng mga mapagkukunang kinakailangan upang ipatupad at mapanatili ang mga pagpapabuti para sa mga kwalipikadong entidad na maaaring walang tauhan upang sumuporta​

  • Kasangkot ang mga aplikasyon na maituturing simple​

Bagaman naiiba ang pamamaraan ng Virginia sa SLCGP kung ikukumpara sa maraming programa ng grant, nananatili itong nakatuon sa pamamahala at pagbabawas ng sistematikong panganib sa cyber sa pamamagitan ng mga layuning nakasaad sa SLCGP Mga Paunawa sa mga Pagkakataon sa Pagpopondo.​

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pederal na programa ng SLCGP, bisitahin ang https://www.cisa.gov/cybergrants/slcgp.​

Komite sa Pagpaplano ng Cybersecurity ng Virginia (VCPC)​

Ang VCPC, na isang kinakailangan ng SLCGP, ay binubuo ng mga pinuno ng cybersecurity at IT mula sa pamahalaang estado at lokal, at sa pribadong sektor. Ang lahat ng mga kasapi ng VCPC ay itinalaga ni Gobernador Youngkin.

Layunin​

Tungkulin ng VCPC ang pagbuo at pagpapanatili ng Plano ng Cybersecurity ng Virginia. Tumutulong din sila sa pagtukoy ng mga priyoridad sa pagpopondo at pag-aangkop ng mga pamumuhunan sa pagsasara ng mga puwang sa kakayahan o pagpapanatili ng mga kakayahan.

Mga Kaugnay na Batas

Higit pang Matuto

Plano ng Cybersecurity

Ang plano ng cybersecurity sa buong estado ng Virginia, na nilikha ng VCPC, ay kumakatawan sa patuloy na pangako sa pagpapabuti at pagsuporta sa isang kabuuang pamamaraan ng estado sa cybersecurity. Ang plano ay tumutugon din sa mga kinakailangan ng kasalukuyang mga alituntunin ng Kagawaran ng Seguridad ng Bayan ng Estados Unidos para sa SLCGP.​

Kasama sa Plano ng Cybersecurity ang mga naisasagawa at nasusukat na mga tunguhin at mga layunin na nakatuon sa: imbentaryo at kontrol sa mga asset panteknolohiya, software at data, pagsubaybay sa banta, proteksiyon at pag-iwas sa banta, pagbawi at pagpapatuloy ng data, at pag-unawa sa antas ng kapanahunan ng cybersecurity ng isang organisasyon. Ang mga ito ay dinisenyo upang suportahan ang Commonwealth sa pagpaplano para sa mga epektibong seguridad ng teknolohiya at sa paglalakbay sa patuloy na nagbabagong tanawin ng cybersecurity.​

Bisyon ng Plano sa Cybersecurity para sa Pagpapahusay ng Cybersecurity​

  • Lumikha ng isang ecosystem ng cybersecurity na sumusuporta sa isang kabuuang pamamaraan ng estado para sa mga pamahalaang estado at lokal upang mapangalagaan ang kritikal na impraestruktura, protektahan ang mga datos ng mga taga-Virginia, at matiyak ang pagpapatuloy ng mahahalagang serbisyo. ​

Misyon ng Plano sa Cybersecurity​

  • Upang higit pang maitaguyod at mapahusay ang mga kakayahan sa cybersecurity ng mga entidad ng pamahalaan ng estado, lokal, at tribo sa Virginia sa pamamagitan ng pagbibigay ng balangkas ng teknolohiya at mga serbisyo upang epektibong makilala, mapagaan, maprotektahan, matukoy, at makatugon sa mga banta sa cyber. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga ibinahaging kakayahan, estratehikong pagpaplano, at karaniwang teknolohiya, ang Commonwealth ng Virginia ay nagsusumikap na mahusay at epektibong protektahan ang pagiging kumpidensyal, integridad, at pagkakaroon ng mga kritikal na sistema, mga datos, at mga serbisyong nakikinabang ang mga taga-Virginia.​

Tingnan ang 2022 Plano ng Cybersecurity ng Virginia.​

Pagbabahagi ng Gastos ng Estado

Ang bawat taon ng programa ng SLCGP ay nangangailangan ng kontribusyon sa gastos:

Taon ng Programa Pagkikibahagi sa Gastos
Pederal na FY 2022 10%
Pederal na FY 2023 20%
Pederal na FY 2024 30%
Pederal na FY 2025 40%

Ang pakikibahagi sa gastos na ito ay kinakailangan para sa lahat ng paggastos mula sa grant, maging para sa mga lokal na grant na ipinapasa, mga proyekto sa buong estado, o pamamahala at administrasyon. ​

Noong 2022, ang Pangkalahatang Kapulungan ng Virginia ay naglaan ng gastusin ng estado para sa pagkikibahagi ng pondo ng mahigit sa $4.9 milyon. Ang mga pondong ito ay ginagamit upang mabawasan at/o alisin ang pangangailangan para sa mga kwalipikadong entidad na magbigay ng bahagi sa gastos na pondo upang makilahok sa mga proyekto ng SLCGP.

Mga proyekto

Tumatanggap na ng mga Aplikasyon

Ang State and Local Cybersecurity Grant Program [Programa ng Grant para sa Cybersecurity ng Estado at Lokal] (SLCGP) ay tumatanggap ng mga aplikasyon para sa mga proyekto ng Phase 2, sa mga lawak ng:

  • Kahinaan
  • Ligtas na Malayuang Pag-access sa Network
  • Imbentaryo ng Ari-arian
  • Imbentaryo ng mga Datos
  • Pagtukoy at Pagtugon ng Endpoint
  • Mga firewall

Mga Kasalukuyang Proyekto

  • Pagbabahagi ng impormasyon ukol sa palatandaan ng banta sa cyber - pagpopondo ng isang sentro ng mga operasyon sa seguridad

  • Plano ng cybersecurity at mga pagtataya - pagpopondo upang maitatag ang Plano ng Cybersecurity ng Virginia at makompleto ang isang pagtataya ng kakayahan ng plano sa cybersecurity​

  • Pamamahala at administrasyon - pagpopondo upang magbigay para sa administrasyon, pangangasiwa at pagsunod sa pagkakaloob ng grant

Mga Natapos na Proyekto

  • Proyekto ng Pagtataya sa Kakayahan para sa Plano ng Cybersecurity - pagpopondo para sa pagsasagawa ng mga batayang pagtataya alinsunod sa mga layunin ng programa ng plano ng cybersecurity ng buong estado

Mga Madalas Itanong: Programa ng Grant para sa Cybersecurity ng Estado at Lokal

Upang higit pang matuto tungkol sa State at Local Cybersecurity Grant Program [Programa ng Grant para sa Cybersecurity ng Estado at Lokal] (SLCGP), bisitahin ang mga madalas itanong (FAQs).

Manatiling Konektado

  1. Sumali sa VDEM listserv para sa grant na ito:

  2. Dumalo sa isang pulong ng Virginia Cybersecurity Planning Committee [Komite sa Pagpaplano ng Cybersecurity ng Virginia] (VCPC) o tingnan muli ang mga nakaraang kagamitan sa pagpupulong:

  3. Makipag-ugnay sa cybercommittee@vita.virginia.gov para sa anumang mga tanong