Pasimplehin ang mga pormularyo ng empleyado ng estado sa pamamagitan ng pag-automate ng daloy ng trabaho
Sinimulan ng VITA ang isang proyekto upang gawing sentralisado at awtomatiko ang mga pormularyong ginagamit ng lahat ng mga sangay ng tagapagpaganap. Ang unang pormularyong inilipat sa inisyatibang ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng Department of Human Resource Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Yamang Tao] (DHRM) upang gawing awtomatiko ang pormularyo ng telework ng mga empleyado ng estado. Ang pormularyo ng telework ay ginagamit ng mga klasipikadong empleyado na sakop ng patakaran sa telework ng estado.
Ang kabuuang inisyatibo sa mga awtomatikong pormularyo ay:
- Gawing istandardisado ang mga pangunahing tungkulin sa negosyo sa buong Commonwealth
- Magbigay ng mahahalagang datos bilang mga sukatan na maaaring suriin sa parehong panahon ng pagganap
- Magtipid ng oras para sa mga ahensiya sa paglikha at pagpapanatili ng kanilang sariling mga pormularyo at mga proseso
- Magbibigay ng kakayahang makita sa buong proseso
Ang solusyong digital na ito ay magagamit ng lahat ng mga ahensiya ng sangay ng tagapagpaganap at naglalayong magdulot ng kahusayan at katipiran sa gastusin. Nagbigay ang DHRM ng pansamantalang gabay sa Aplikasyon ng COV- Kasunduan sa Telework.
Bisitahin ang Mga Anunsiyo seksyon sa ibaba upang malaman kung ano ang bago.
Pagiging sentralisado ng awtomasyon ng mga pormularyo
Isang sistemang ginawa ng VITA na magbibigay ng daloy ng trabaho, mga notipikasyon at mga dashboard (ilalabas sa hinaharap). Gagawing istandardisado ng sistema ang mga tungkulin ng negosyo, makakukuha ng mahahalagang datos bilang mga sukatan, makalilikha ng kakayahang makita ang proseso at makatitipid ng oras ng mga ahensiya. Magbasa pa sa pamamagitan ng pag-click sa mga tab at bumalik nang madalas para sa mga update sa proyekto.
Magagamit na ang pormularyo ng mga kakayahan sa pagsasa-awtomatiko ng telework ng estado!
Ang VITA at ang Department of Human Resource Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Yamang Tao] ay bumuo ng pinagsamang pakikipagtulungan upang gawing awtomatiko ang pormularyo ng telework ng estado. Ang pormularyo ay magagamit para sa lahat ng ahensiya ng sangay ng tagapagpaganap. Mangyaring makipagtulungan sa pangkat ng pamamahala ng yaman tao ng inyong ahensiya upang makipag-ugnayan sa paggamit nito.
Mga Paggabay na video
Inihanda ng VITA ang sumusunod na mga video tutorial para sa pormularyo ng telework:
- Paano punan ang iyong pormularyo bilang isang empleyado
- Paano iproseso ang mga pormularyo bilang isang tagapamahala
- Paano iproseso ang mga pormularyo bilang tagasuri ng ahensiya, pinuno ng ahensiya, kalihim, o Chief of Staff
- Paano simulan ang proseso ng pormularyo bilang isang tagapagpasimula
- Paano magtalaga ng mga tungkulin bilang administrador ng ahensiya
Mangyaring bisitahin ang mga video tutorial sa ibaba upang matuto nang higit pa.
Mga sunud-sunod na instruksiyon sa mga gabay ng gumagamit at mga pantulong sa trabaho
Ang VITA ay bumuo ng mga gabay para sa gumagamit at mga pantulong sa trabaho upang tulungan ang iba't ibang tao sa kanilang tungkulin sa pagkompleto at/o pag-apruba ng pormularyo ng telework ng estado. Ang lahat ng mga gabay ay nasa knowledge base ng portal ng serbisyo ng VITA.
Magparehistro para sa pagsasanay sa paggamit ng application ng telework
Ang pormularyo ng telework ay ginagamit ng mga empleyadong nasa ilalim ng klasipikadong posisyon na saklaw ng patakaran ng telework ng estado. Ang mga pagkakataon para sa pagsasanay at demonstrasyon sa application ng telework ay ibinigay noong tag-init 2023. Ang pagsasanay ay nai-rekord at makikita sa ibaba.
Panoorin ang video ng Pagsasanay sa Application ng Telework.
Ang bagong awtomasyon ay kasalukuyang isinasagawa
Ilulunsad ng VITA ang mga bagong oportunidad sa awtomasyon sa mga susunod na buwan. Manatiling nakatutok para sa mga karagdagang detalye.
Mga tutorial ng Application ng COV - Mga pormularyo ng Telework
Mga tutorial sa Telework: Pagsasanay sa Application
Tingnan ang transkrip para sa mga tutorial sa Telework: Pagsasanay sa application.
Mga tutorial sa telework: Proseso ng empleyado
Tingnan ang transkrip para sa mga tutorial sa Telework: Proseso ng pormularyo ng empleyado.
Mga tutorial sa telework: Proseso ng Tagapamahala
Tingnan ang transkrip para sa mga tutorial sa Telework: Proseso ng Tagapamahala.
Mga tutorial sa Telework: Proseso ng Tagasuri
Tingnan ang transkrip para sa mga tutorial sa Telework: Proseso ng Tagasuri.
Mga tutorial sa Telework: Proseso ng tagapagpasimula
Tingnan ang transkrip para sa mga tutorial sa Telework: Proseso ng Tagapagpasimula.
Mga tutorial sa telework: Pagtatalaga ng mga tungkulin
Tingnan ang transkrip para sa mga tutorial ng Telework: Pagtatalaga ng mga tungkulin.
Mga tutorial sa telework: Maramihang pag-renewal
Tingnan ang transkrip para sa mga tutorial ng Telework: Maramihang pag-renew.
Mga Madalas na Itanong (FAQs)
VITA at ang Department of Human Resource Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Yamang Tao] (DHRM) ay nakipagtulungan upang gawing awtomatiko ang mga pormularyo ng telework para sa mga empleyado ng estado. Ang layunin ng inisyatibang ito ay gawing mas madali at mas mahusay ang pormularyong papel na nangangailangan ng iba't ibang antas ng mga lagda ng pag-apruba patungo sa madaling gamiting awtomasyon ng daloy ng trabaho.
Ang inisyatibang ito ay magbibigay ng sentralisadong pagproseso ng mga pormularyo at aalisin ang pagkalat ng iba't ibang bersiyon ng parehong pormularyo, pati na rin ang iba't ibang pamamaraan ng koleksiyon at hindi pare-parehong mga datos. Nilikha ng VITA ang isang sistemang magbibigay sa mga ahensiya ng mga daloy ng trabaho, mga notipikasyon, at mga dashboard (ilalabas sa hinaharap). Ang mga kagamitang ito ay:
- Gawing istandardisado ang mga pangunahing tungkulin sa negosyo sa buong Commonwealth
- Magbigay ng mahahalagang datos bilang mga sukatan na maaaring suriin sa parehong panahon ng pagganap
- Magtipid ng oras para sa mga ahensiya sa paglikha at pagpapanatili ng kanilang sariling mga pormularyo at mga proseso
- Nagbibigay ng kakayahang makita ang buong proseso
Ang mga resulta ay magdudulot ng kahusayan para sa mga ahensiya at mga end user, at mag-aalis ng hindi kinakailangang mga gastos.
Ang pormularyo sa telework ay magagamit simula sa Hunyo 2023. Ibabahagi ng tanggapan ng pamamahala ng yamang tao ng iyong ahensiya ang impormasyong partikular sa inyong ahensiya sa lalong madaling panahon.
Ang Department of Human Resource Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Yamang Tao] (DHRM) ay naglabas ng Patakaran sa Pagsasagawa ng Telework ng Commonwealth of Virginia 1.61 . Makikita ang patakaran dito.
Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa teleworking, mangyaring makipag-ugnayan sapangkat ng HR sa inyong ahensiya.
Ang mga video tutorial at mga tulong sa trabaho ay ginawa upang magpakita ng sunud-sunod na mga instruksiyon kung paano iproseso ang isang kasunduan sa telework. Makikita ang mga ito sa web page sa itaas. Pakitandaan na upang maproseso ang iyong pormularyo ng telework, kailangan mong i-click ang link sa isang notipikasyon sa email na matatanggap mo mula sa covapps@vita.virginia.gov
Ang mga kagamitan sa pagsasanay, mga demonstrasyon at mga video tutorial ay binuo sa bagong proseso at makukuha sa pahinang ito at ibinahagi sa website ng DHRM. Ang pansamantalang gabay ng DHRM ay nai-post sa COV Application - Telework Agreement. Mangyaring patuloy na tingnan ang pahinang ito para sa mga update.