Hindi sinusuportahan ng iyong browser ang JavaScript!

PerForms

Pasimplehin ang mga pormularyo ng empleyado ng estado sa pamamagitan ng pag-automate ng daloy ng trabaho

Ang PerForms ay isang bagong application sa ilalim ng Commonwealth of Virginia (COV) Applications, o COV Apps, na bahagi ng pamilya ng mga produkto. Ito ay isang inisyatiba ng VITA upang gawing sentralisado ang mga aplikasyon at i-automate ang mga form na ginagamit ng mga ahensiya ng sangay ng tagapagpaganap, na binuo sa pakikipagtulungan sa Department of Human Resource Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Yamang-Tao] (DHRM). Ang unang inilabas ng PerForms ay ang sariling pagtataya at susundan ng taunang pagtataya sa pagganap. Ang PerForms ay gagamitin ng mga empleyadong klasipikado na nasa sistema ng Cardinal at sakop ng patakaran sa pagpaplano at pagtataya ng pagganap ng estado. 

Mga layunin ng programa:

  • Gawing istandardisado ang mga pangunahing tungkulin sa negosyo sa buong Commonwealth
  • Magbigay ng mahahalagang datos bilang mga sukatan na maaaring suriin sa parehong panahon ng pagganap
  • Magtipid ng oras para sa mga ahensiya sa paglikha at pagpapanatili ng kanilang sariling mga pormularyo at mga proseso
  • Magbigay ng mas pinahusay na kakayahang makita ang mga proseso

Bisitahin ang Mga Anunsiyo seksyon sa ibaba upang malaman kung ano ang bago.

Pagiging sentralisado ng awtomasyon ng mga pormularyo

Isang sistemang ginawa ng VITA na magbibigay ng daloy ng trabaho, mga notipikasyon, at mga dashboard (ilalabas sa hinaharap). Gagawing istandardisado ng sistema ang mga tungkulin ng negosyo, makakukuha ng koleksiyon ng mahahalagang datos bilang mga sukatan, makalilikha ng kakayahang makita ang proseso at makatitipid ng oras ng mga ahensiya. Ang PerForms ay magagamit sa mga ahensyia ng sangay ng tagapagpaganap na gumagamit ng Cardinal.

Magbasa nang higit pa sa pamamagitan ng pag-click sa mga tab at bumalik nang madalas para sa mga update sa proyekto. 

Taglagas 2024

Ang VITA at ang Department of Human Resource Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Yamang Tao] ay nagtatag ng isang magkasamang pakikipagsosyo upang i-automate ang mga pormularyo. Ang unang ilalabas ay ang pansariling pagtataya na susundan ng taunang pagtataya ng pagganap. Ang PerForms ay magagamit ng lahat ng ahensiya ng sangay ehekutibo para sa kanilang mga empleyadong klasipikado. Mangyaring makipag-ugnay sa pangkat ng pamamahala ng yamang tao ng iyong ahensiya para sa karagdagang impormasyon.  

 

Mga Paggabay na video

Inihanda ng VITA ang sumusunod na mga video tutorial para sa PerForms: 

  • Paano magtalaga ng mga tungkulin bilang administrador ng ahensiya 
  • Paano magsimula ng isang pormularyo sa PerForms
  • Paano magsimula ng maraming pormularyo nang sabay-sabay sa PerForms
  • Paano tapusin ang pansariling pagtataya sa PerForms

Mangyaring bisitahin ang mga video tutorial sa ibaba upang matuto nang higit pa.   

Mga sunud-sunod na instruksiyon sa mga gabay ng gumagamit at mga pantulong sa trabaho

Ang VITA ay bumuo ng mga gabay sa gumagamit at mga pantulong sa trabaho upang tulungan ang iba't ibang mga indibidwal sa kanilang mga tungkulin sa pagkompleto ng mga pormularyo. Ang lahat ng mga gabay ay nasa knowledge base ng portal ng serbisyo ng VITA. 

Tingnan ang mga kagamitan sa pagsasanay

Magparehistro para sa pagsasanay ng PerForms

Walang nakatakdang pagsasanay o demonstrasyon sa kasalukuyan.  Mangyaring sumangguni sa mga tutorial na on-demand at mga gabay ng gumagamit para sa tulong.

Matuto pa tungkol sa Performs

Ang Dept. of Human Resource Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Yamang Tao] (DHRM) ay nagtipon ng mga tanong na madalas itanong (FAQs) tungkol sa PerForms. Hinihikayat ang HR at mga tagapangasiwa ng ahensiya na suriin ito. 

Higit pang alamin sa pamamagitan ng pagbisita sa mga FAQ

Ang bagong awtomasyon ay kasalukuyang isinasagawa

Ilulunsad ng VITA ang mga bagong oportunidad sa awtomasyon sa mga susunod na buwan! 

 Manatiling nakatutok para sa mga karagdagang detalye. 

Mga tutorial ng Aplikasyon ng COV - PerForms

PerForms - Paano tapusin ang sariling pagtataya sa PerForms

Panoorin sa buong screen ang video na "Paano Kompletuhin ang Pansariling Pagtataya"

PerForms - Paano magsimula ng isang pormularyo sa PerForms

Panoorin sa buong screen ang video na "Paano magsimula ng pormularyo"

PerForms - Paano magtalaga ng mga tungkulin bilang tagapangasiwa ng ahensiya

Panoorin sa buong screen ang video na "Paano magtalaga ng mga tungkulin"

PerForms - Paano magsimula ng maraming pormularyo nang sabay-sabay sa PerForms

Panoorin sa buong screen ang video na "Paano simulan ang maraming pormularyo"

PerForms - Paano kompletuhin ang iyong taunang pagtataya bilang isang empleyado sa PerForms

Panoorin sa buong screen ang video ng "Paano kompletuhin ang iyong taunang pagtataya bilang empleyado"

PerForms - Paano kompletuhin ang taunang pagtataya bilang tagamasid at tagasuri sa PerForms

Panoorin sa buong screen ang video na "Paano kompletuhin ang taunang pagtataya bilang tagamasid at tagasuri"