Programa sa Pagsasanay: Hunyo 2025
Sumali sa mga dibisyon ng pagkuha ng VITA para sa tatlong araw na holistikong pagsasanay na sumasaklaw sa kinakailangang mga proseso, mga pamamaraan, at pinakamahusay na kasanayan ng VITA para sa pagsasagawa ng pagkuha ng IT procurement, kabilang ang mga tip mula sa aming mga tagapagsalita kung paano matagumpay na makatawid sa iba't ibang mga pagsusuri at pag-apruba na kinakailangan para sa iyong mga pamumuhunan sa IT.
Kailan:
Hunyo 10 - 12
9 n.u. - 12:30 n.h. araw-araw
Saan:
7325 Beaufont Springs Drive Richmond, Virginia 23225
Silid-pagsasanay ng VITA #108
Mga detalye ng pagpaparehistro - Magsasara ng Hunyo 3
Ang pagpaparehistro ay isinasagawa sa pamamagitan ng Virginia Institute of Procurement [Surian ng Pagkuha ng Virginia], Learning Management System [Sistema ng Pamamahala sa Pagkatuto] (LMS). Kung wala ka pang akawnt, kailangan mong gumawa ng isa bago magparehistro sa pamamagitan ng pagpili ng Mag-log in sa kanang itaas na sulok sa at pagpili ng Mag-sign up. Mangyaring sundin ang mga instruksiyon para sa pagpaparehistro pagkatapos lumikha ng akawnt:
Ang pagpaparehistro ay isinasagawa sa pamamagitan ng Department of General Services [Kagawaran ng mga Pangkalahatang Serbisyo] (DGS), Virginia Institute of Procurement [Surian ng Pagkuha ng Virginia], Learning Management System [Sistema ng Pamamahala sa Pagkatuto] (LMS). Mangyaring sundin ang mga instruksiyon para sa pagpaparehistro sa ibaba:
- Mag-log in sa iyong akawnt sa LMS portal, na matatagpuan dito: Pampublikong Dashboard | Virginia Institute of Procurement.
- Kung wala kang akawnt, kakailanganin mong lumikha ng isa bago magparehistro para sa pagsasanay sa pamamagitan ng pagpili ng Mag-log in sa kanang itaas na sulok sa at pagpili ng Mag-sign up.
- Kapag naka-log in na, piliin ang tile ng Katalogo
- Piliin ang tile ng VITA Courses . Dadalhin ka nito sa landing pageng VITA Second Quarter 2025 (Q2) IT Procurement Training Courses
- Piliin ang Magpatala
- Piliin ang Simulan. Dadalhin ka nito sa landing page para sa Araw 1, 2 at 3 ng pagsasanay
- Pumili ng alinman sa personal o virtual na opsiyon ng sesyon para sa bawat araw ng pagsasanay. Paalala: Mangyaring pumili lamang ng ISANG opsiyon -- alinman sa personal o virtual -- para sa bawat araw ng pagsasanay na nais mong daluhan)
- Kumpletuhin ang pagpaparehistro para sa bawat araw na nais mong dumalo sa pagsasanay. Tandaan: Kapag nagawa mo na ang iyong pagpili ng isang personal o virtual na session, maaari lamang itong baguhin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa DGS - VIP bago ang Hunyo 2.
Araw 1: Martes, Hunyo 10, 2025
(Mga) Tagapagsalita: Rachel Hoffman at Liz Candler
Paglalarawan: Tatalakayin sa seksiyong ito ang layunin at saklaw ng VITA, pati na rin ang itinalagang awtoridad sa pagkuha ng VITA, kabilang ang mga itinalagang limitasyon sa pagkuha ng mga pampublikong pangkat at mga awtorisadong pamamaraan ng pagkuha. Magbibigay din ito ng isang pangkalahatang-ideya ng mga dibisyon ng VITA na may pananagutan sa pagsusuri at pag-apruba ng mga pagkuha ng IT.
(Mga) Tagapagsalita: Rachel Hoffman at Liz Candler
Paglalarawan: Tatalakayin sa seksiyong ito ang mga pagkakaiba sa pagitan ng pangkalahatan at pagkuha ng IT, kabilang ang mga pangkalahatang kategorya ng pagkuha at mga halimbawa nito, at kung paano simulan ang proseso ng pangangasiwa ng VITA IT na pagkuha.
(Mga) Tagapagsalita: Rachel Hoffman at Liz Candler
Ang seksiyon ay susundan ng 10-minutong pahinga
Paglalarawan: Ang mga espesyalista mula sa dibisyon ng pamamahala ng pamumuhunan sa IT (ITIMD) at dibisyon ng pamamahala ng proyekto (PMD) ng VITA ay magbibigay ng isang pangkalahatang-ideya ng siklo ng buhay ng pamamahala ng pamumuhunan sa IT, kung paano inilalapat ang ITIM sa pangangasiwa at pamamahala ng mga pamumuhunan sa IT ng VITA at kung paano isagawa ang mga paunang hakbang ng pagkuha ng IT at pamamahala ng proyekto.
(Mga) Tagapagsalita: VITA ITIMD at PMD
Paglalarawan: Sa seksiyong ito, magbibigay kami ng pangkalahatang-ideya ng pangunahing proyekto ng IT ng VITA at mga proseso ng pagsusuri na may mataas na panganib, kabilang ang mga kinakailangang pagsusuri at pag-apruba at kung ano ang aasahan mula sa proseso ng pagsusuring ito. Magbibigay din kami ng mga tip at patnubay para sa matagumpay at mahusay na pagkompleto ng isang pagsusuring may mataas na panganib.
(Mga) Tagapagsalita: Rachel Hoffman at Liz Candler
Araw 2: Miyerkules, Hunyo 11, 2025
(Mga) Tagapagsalita: Rachel Hoffman at Liz Candler
Paglalarawan: Sa seksiyong ito, magbibigay kami ng detalyadong patnubay at mga halimbawa para sa paglikha ng malinaw at natatanging mga panukat sa pagganap at mga probisyon sa pagpapatupad, kabilang ang mga remedyo, para sa mga kontrata sa IT. Magbibigay rin kami ng patnubay sa kung paano gumawa ng kasunduan sa antas ng serbisyo (SLA), kung ano ang dapat isama sa iyong SLA, at kung paano ipatupad ang SLA upang mabawasan ang panganib sa iyong pamumuhunan sa IT.
Tagapagsalita: Liz Candler
Paglalarawan: Ang aming mga eksperto sa SCM sourcing ay magbibigay ng masusing pagsusuri sa proseso ng pagtukoy sa pinagmulan na magagamit sa mga kostumer, kabilang ang kung paano gamitin ang aming kontrata sa pansamantalang manggagawa ng IT (ITCL) sa Computer Aid, Inc. Ang seksiyong ito ay magbibigay rin ng mataas na antas na pangkalahatang-ideya ng pamamahala ng kategorya at ang pangkalahatang estratehiya para sa pamamahala ng mga kontrata ng VITA sa buong estado at paggamit ng kapangyarihan sa pagbili ng Commonwealth.
(Mga) Tagapagsalita: Greg Scearce at Jimmy Mackenzie
Paglalarawan: Ang pagsasagawa sa proseso ng COV Ramp ay maaaring maging masalimuot. Ang mga eksperto sa paksa ng COV Ramp ng VITA ay magpapaliwanag sa proseso sa bawat hakbang para sa pagkompleto ng pagtataya ng COV Ramp at pagsusuri, negosasyon, at proseso ng pag-apruba ng mga tuntunin at kondisyon sa cloud.
(Mga) Tagapagsalita: Debi Smith at Sonja Headley
Araw 3: Huwebes, Hunyo 12, 2025
(Mga) Tagapagsalita: Rachel Hoffman at Liz Candler
Paglalarawan: Tatalakayin ng bahaging ito ang proseso ng pagtukoy sa pinagmulan ng teknolohiya, kabilang ang pagbuo ng mga kinakailangan, detalyadong paggabay sa template ng VITA RFP at pangkalahatang-ideya ng modelo ng pagsusuri ng IT. Magbabahagi rin tayo ng mga tip kung paano masiguro na magiging matagumpay ang iyong proseso ng pagtataya.
Tagapagsalita: Rachel Hoffman
Ang seksiyon ay sinundan ng 10-minutong pahinga.
Paglalarawan: Dahil ang mga pagkuha ng IT ay naiiba sa mga pangkalahatang pagkuha, nangangailangan din ang mga ito ng mga tuntunin ng kontrata na partikular na nilikha para sa mga produkto at mga serbisyo ng IT. Ang seksiyong ito ay magbibigay ng pangkalahatang-ideya sa mga template ng kontrata sa IT ng VITA at detalyadong pagliwanag sa mga pangunahing tuntunin at mga kondisyon ng IT na nakapaloob sa mga template.
(Mga) Tagapagsalita: Rachel Hoffman at Liz Candler
Paglalarawan: Ang kontrata sa IT ay nangangailangan ng mga tiyak na seguro at siguridad sa pagsunod sa mga tuntunin na nag-oobliga sa tagapagtustos na pangalagaan ang mga datos ng Commonwealth alinsunod sa mga patakaran, mga pamantayan, at mga alituntunin ng VITA. Isang eksperto sa VITA cybersecurity at pamamahala sa panganib (CSRM) ang magbibigay ng pangkalahatang-ideya kung paano nakikilahok ang CSRM sa proseso ng pangangasiwa sa pagkuha, at ang mga kinakailangang tuntunin para sa seguro ng cyber liability at pagsunod sa seguridad.
Tagapagsalita: Jonathan Smith