Hindi sinusuportahan ng iyong browser ang JavaScript!

Tungkol sa

Pahayag ng Misyon

Upang maghatid ng napapanatili at epektibong mga resulta sa aming mga kostumer sa pamamagitan ng makabago, mahusay, at ligtas na mga serbisyo.

Ang Aming Bisyon: Maging pinaka-maaasahang kasosyo sa teknolohiya ng Virginia na nakatuon sa kostumer, na nagbibigay-kapangyarihan sa Commonwealth na makamit ang higit pa sa pamamagitan ng makabago, mahusay, at ligtas na teknolohiya.

Ang Aming Tagline: Pag-uugnay - Pagpoprotekta- Pagsasagawa ng Inobasyon

Nagbibigay ang VITA ng natatanging serbisyo at mga solusyon sa teknolohiya upang suportahan ang mga kostumer at matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa negosyo.

Pinahahalagahan ng Virginia Information Technologies Agency [Ahensiya ng mga Teknolohiyang Pang-impormasyon ng Virginia] ang pagkakataong maglingkod sa mahigit sa 60 mga ahensiya ng sangay tagapagpaganap ng estado at 55,000 mga empleyado ng estado, na nagbibigay ng kakayahan at nagbibigay lakas sa mga kasamahan sa ahensiya upang maglingkod sa 8.6 milyong residente ng Virginia at marami pang mga bisita.

Pananagutan

Kami ay may pananagutan sa pagtupad ng mga itinakdang resulta, pagiging bukas at responsable sa mga desisyong aming ginagawa.

Ingklusibong Kolaborasyon

Nakikipag-ugnayan kami sa iba't ibang mga indibidwal at pangkat mula sa VITA, mga kostumer, at tagapagtustos upang sama-samang bumuo ng mga solusyon at magpatibay ng mga kapwa-kapaki-pakinabang na pakikipagsosyo.

Kaisipang Pagpapaunlad

Tinatanggap namin ang mga hamon at mga pagkakataon para umunlad, nagsusumikap na makatuklas ng mga makabagong solusyon at hindi kailanman tinatanggap ang kasalukuyang kalagayan.

Pagiging epektibo

Nagtatrabaho kami nang may malinaw na layunin upang maghatid ng mga solusyon sa pamamagitan ng paggamit ng dulog na nakabatay sa datos na lumilikha ng halaga para sa Commonwealth.

Pagtitiyaga

Kami ay nakatuon sa pagtupad ng aming misyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng napapanahon at makabagong mga solusyon para sa aming mga kostumer sa kabila ng mga hamon.

Ang Virginia Information Technologies Agency [Ahensiya ng mga Teknolohiyang Pang-impormasyon ng Virginia] (VITA) ay ang pinagsama-samang organisasyon ng teknolohiyang pang-impormasyon ng Commonwealth. Ang mga responsibilidad ng VITA ay nahahati sa apat na pangunahing kategorya:

  • Pamamahala at proteksiyon ng mga programa sa seguridad ng impormasyon ng Commonwealth upang suportahan ang mga tungkulin ng Punong Opisyal ng Impormasyon ng Commonwealth;
  • Pagpapatakbo ng impraestruktura ng IT para sa mga ahensiya ng sangay ng tagapagpaganap na itinakda ng tagapagbatas na saklaw ng VITA;
  • Pamamahala ng mga pamumuhunan sa IT upang suportahan ang mga tungkulin at responsibilidad ng Sanggunian ng Tagapayo sa Teknolohiyang Pang-impormasyon at ng Punong Opisyal ng Impormasyon ng Commonwealth;
  • Pagkuha ng teknolohiya para sa VITA at sa ngalan ng iba pang mga ahensyia ng estado at mga institusyon ng mas mataas na edukasyon.

Estratehikong Plano ng Negosyo

Naglabas ang VITA ng bagong Estratehikong Plano ng Negosyo noong Agosto 2024. Binalangkas ng plano ang mga estratehikong layunin ng ahensiya, pitong mga estratehikong inisyatiba, ang estratehikong proseso at kung paanong ang bawat inisyatiba ay nagtutulak patungo sa pagkamit ng tatlong pangunahing layunin ng VITA.

Basahin ang na-update na Estratehikong Plano ng Negosyo ng VITA mula noong Agosto 2024.

Basahin ang Estratehikong Plano ng Negosyo ng VITA mula noong Marso 2023.

Mga Layunin at Inisyatiba

Buksan Lahat

1. Makipagtulungan sa mga kostumer upang bumuo ng mga positibong karanasan ng kostumer at makamit ang mga layunin ng negosyo sa pamamagitan ng teknolohiya

Mga inisyatiba

  • Pagbutihin ang karanasan sa IT ng kostumer
  • Paganahin ang pagbabago ng COV sa enterprise technology solutions
  • Cybersecurity para sa VITA, mga kostumer ng VITA at sa buong Commonwealth
2. Mamuhunan at bigyang kapangyarihan ang aming mga tauhan upang makabuo ng nakatuon sa kostumer at inobatibong lakas paggawa

Mga inisyatiba

  • Paghusayin ang trabaho upang magbigay ng mas mataas na halaga sa pamamagitan ng pagpapasimple ng mga operasyon
  • Baguhin ang kultura ng VITA upang magtanim ng diwa ng kagyat na aksiyon, pagtuon sa kostumer, kaisipan sa pagnenegosyo, pagtutulungan ng pangkat, at pagsasama ng lahat
3. Tugunan ang panganib, samantalahin ang mga pagkakataon at bawasan ang mga gastusin sa pamamagitan ng maagap na pamamahala

Mga inisyatiba

  • Paganahin ang data analytics, pamamahala, katalinuhan, at agham
  • Ipatupad ang matalinong pamamahala upang matulungang magtagumpay ang mga kostumer

Plano ng Estratehiya sa Teknolohiya ng Commonwealth of Virginia

Natapos ng Commonwealth ng Virginia ang kanilang kauna-unahang buong negosyong Plano ng Estratehiya sa Teknolohiya noong tag-init 2023. Ang plano ay natapos sa pakikipagtulungan sa mga kustomer ng ahensiya ( Sanggunian ng Tagapayo ng CIO), mga kasosyong komite (ITAC), sa pamamagitan ng mga panayam at pananaliksik sa mga kasamahan sa iba't ibang antas, mga kalihiman at mga sangay ng pamahalaan at mas mataas na edukasyon. Tinutukoy ng estratehiya ang bisyon ng Commonwealth para sa teknolohiya, ipinapahayag ang mga layunin ng Commonwealth at binabalangkas ang mga plano ng Commonwealth para sa paggamit ng teknolohiya upang pasiglahin ang paglago at maghatid ng halaga sa mga taga-Virginia.

Basahin ang Plano ng Estratehiya sa Teknolohiya ng COV

Batas na Nagpapagana sa VITA

Sa paglabas ng Estratehikong Plano ng COV para sa IT noong 2003 at pagpasa ng House Bill 1926 (Nixon) at Senate Bill 1247 (Stosch), sinimulan ng Commonwealth ang isa sa pinakamalawak na reporma ng teknolohiyang pang-impormasyon sa bansa. Ang mga nakasulat na batas at estruktura ng VITA ay nagbago nang malaki sa paglipas ng panahon. Para sa kasalukuyang bersiyon ng mga batas ng VITA, tingnan ang Kabanata 20.1 ng Titulo 2.2 ng Kodigo ng Virginia sa pamamagitan ng Sistema ng Impormasyon ng Tagapagbatas.

Para sa pinakabagong batas na may kaugnayan sa VITA at iba pang kaugnay na impormasyon, tingnan ang pahina ng Serbisyong Pambatas at Lehislatibo ng VITA.