Maligayang pagdating sa Ahensiya ng IT ng Virginia
Paano namin kayo matutulungan?
Mga popular na paksa batay sa interes para sa mga lokalidad
Ang pakikipagtulungan sa aming mga katuwang, lalo na sa lokal na antas, ay mahalaga sa Commonwealth ng Virginia.
Bilang tugon sa mga pidbak, isinaayos namin ang mga mapagkukunan at isinama ang mga ito sa isang lokasyong madaling gamitin na partikular para sa mga lokalidad sa Virginia.
Habang umuunlad ang pagsisikap na ito, ang tampok na seksiyon ay ia-update kung kinakailangan. Kung mayroon kang mga katanungan o mga mungkahi, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa vitacomms@vita.virginia.gov.
Mga oportunidad para sa pederal na grant sa cybersecurity
Ang pederal na Infrastructure Investment and Jobs Act [Batas sa Pamumuhunan sa Impraestruktura at mga Trabaho] ng 2021 ay lumikha ng programa ng grant para sa cybersecurity ng estado at lokal upang tulungan ang mga entidad ng estado, lokal, at tribo na magtulungan para mapabuti ang cybersecurity.
Ang VITA, sa pakikipagtulungan sa aming mga katuwang, kabilang ang Virginia Department of Emergency Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Kagipitan ng Virginia] (VDEM) na nagsisilbing State Administrative Agency [Ahensiyang Pampangasiwaan ng Estado] (SAA), ay nag-aplay at nakatanggap ng mga grant para sa lahat ng magagamit na taon ng programa.
Ang VITA ay kasalukuyang tumatanggap ng mga aplikasyon para sa unang proyektong pinondohan mula sa mga gantimpalang grant - pagtataya ng kakayahan ng Plano ng Cybersecurity.
Upang mag-aplay para sa proyektong ito, at para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang pederal na grant, mangyaring bisitahin ang aming Mga Programa ng Grant pahina.
Ang Oktubre ay Buwan ng Kamalayan sa Cybersecurity (CSAM) para sa Commonwealth ng Virginia
Nakaranas ba ang iyong entity ng cyber security breach?
Gamitin ang pormularyo ng ulat ng insidente sa cyber upang ipaalam sa Commonwealth.
Ang pormularyong ito ay para sa mga pampublikong pangkat at iba pang mga organisasyon upang ipagbigay-alam sa Virginia Fusion Center [Sentro ng Pagsasanib ng Virginia] ang mga insidente ng cybersecurity, sa pakikipagtulungan kasama ang Virginia State Police [Pulisya ng Estado ng Virginia] (VSP), Virginia Department of Emergency Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Kagipitan ng Virginia] (VDEM), at VITA.
Bisitahin ang reportcyber.viriginia.gov FAQs page para sa mga kaugnay na tanong at sagot sa paggamit ng form na ito.
Mga karagdagang mapagkukunan ng cyber
Upang makapagbigay ng libu-libong mahahalagang serbisyong pampubliko mula sa tulong sa kalamidad hanggang sa social security hanggang sa tubig at kuryente, dapat tiyakin ng lahat ng antas ng pamahalaan na ang kanilang cyber infrastructure ay ligtas, secure at nababanat. Sa ibaba, maghanap ng mga mapagkukunan at materyales para sa mga opisyal at empleyado ng estado at lokal na pamahalaan upang makakuha ng kaalaman tungkol sa cybersecurity.
- Bisitahin ang Multi-State Information Sharing and Analysis Center (MS-ISAC) para sa pag-iwas, proteksyon, pagtugon at pagbawi ng banta sa cyber para sa estado, lokal, teritoryo at tribo (SLTT) na mga pamahalaan ng bansa.
- Makipagtulungan sa buong pederal na pamahalaan upang mapahusay ang postura ng cybersecurity ng bansa sa pamamagitan ng Federal Network Resilience ng DHS.
- Magbahagi ng impormasyon at pinakamahuhusay na kagawian sa pamamagitan ng National Institute of Standards and Technology (NIST) Federal Agency Security Practices (FASP).
Mga aprubadong bendidor na gagamitin sa Commonwealth
COV Ramp
Ang COV Ramp (dating ECOS) ay nagbibigay ng mga function ng oversight at pamamahala ng mga cloud based na serbisyo, partikular na nakatuon sa software as a service (SaaS). Upang tingnan ang Listahan ng Supplier na Inaprubahan COV Ramp , bisitahin ang Mga Naaprubahang Aplikasyon at Sukatan.
Para sa mga ahensyang nagsasagawa ng desisyon na lumipat sa mga serbisyong nakabatay sa cloud, ang karagdagang impormasyon ay makikita sa COV Ramp.
Interesado ka ba sa aming mga kontratang handa nang gamitin para sa buong estado?
Maaaring gamitin ng lahat ng mga pangkat pampubliko ang mga kontratang pambuong estado na binuo ng VITA, kung nakasaad sa kahilingan o kontrata.
Simulan na ngayon ang iyong paghahanap para sa mga magagamit na mga kontrata sa buong estado.
Magagamit na mga oportunidad para sa pagsasanay at lakas paggawa
Ang National Initiative for Cybersecurity Education [Pambansang Inisyatiba para sa Edukasyon sa Cybersecurity] (NICE) Balangkas ng Lakas Paggawa para sa Cybersecurity ay nagbibigay-daan sa mga organisasyon na paunlarin ang kanilang mga manggagawa upang magawa ang mga gawain sa cybersecurity, at tumutulong ito sa mga mag-aaral na galugarin ang gawain sa cybersecurity at makilahok sa mga angkop na aktibidad sa pagkatuto upang mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan.
Ang National Initiative for Cybersecurity Careers and Studies [Pambansang Inisyatiba para sa mga Karera at mga Pag-aaral ng Cybersecurity] na 'Cyber Career Roadmap' [Mapa ng Paglalakbay sa Karerang Cyber] ay digital na kasangkapan na nag-aalok ng isang interaktibong paraan para sa mga propesyonal na nagtatrabaho (cyber at di-cyber), mga employer, mga estudyante, at mga bagong gradweyt upang galugarin at bumuo ng kanilang sariling mapa ng paglalakbay sa karera ng iba't ibang 52 mga tungkulin sa trabaho sa Balangkas ng NICE.
Ilang mga mungkahing link:
Mga paksa ng interes
Mga Mapagkukunan ng Estado
- Makikita ang mga listahan at impormasyon ng Lokal na Pamahalaan sa Portal ng Estado ng Virginia.
- Sino ang aking Mambabatas?
- Mga Miyembro ng Gabinete ng Gobernador ng Virginia
Mga Mapagkukunan ng Pederal
Mga download na magagamit sa iyong lokalidad:
Narito ang mga presentasyon at mga dokumentong maaaring i-download para magamit sa inyong lokalidad:
VITA Customer Care Center
Ikaw ba ay isang kostumer ng VITA? Kailangan ng suporta sa IT? Makipag-ugnayan sa VCCC (VITA Customer Care Center) para sa anumang mga katanungan hinggil sa suporta.
